Kylle Carillo

Productivity or Social Media

Helpful or Wasting Time?

Honestly, hindi ko alam kung nakakatulong ba ang social media sa buhay ng isang student na katulad ko. Minsan, sobrang saya kasi nakakapag-interact ako sa friends and family or relatives, nakakanood ng mga funny videos na pampagaan ng mood, at nakaka-discover ng bagong ideas or bagong knowledge. Pero minsan din, parang trap siya nakakaubos ng oras, nakaka-stress, at minsan nakaka-compare ka sa ibang tao. Kaya naisip ko, is social media really helping or ginagawa lang akong tamad dahil nalilibang ako?


Good Side and Bad Side

The good side of social media, malaking tulong ang social media lalo na't madaling makipag communicate sa mga malalayong lugar, kailangan lamang ay internet connection, madali nang makipag-usap. As a student connection lang ang kailangan makakuha na nang information like announcement pag walang pasok, news at nakakatulong din sa pag search ng mga information para sa assignemnt or projects. Minsan ang social media ay nagiging stress reliever natin dahil nakakanood tayo ng mga content creator na tinitingala natin at dahil sa content creator, gumagaan ang ating pakiramdam, nawawala ang stress at nababawasan ang mga isipin kumbaga distracted tayo.

May dark side naman ang social media, speaking of distracted as a student sa sobrang distracted sa social media nakakalimutan na mag-aral dahil nawawala ang focus parang tatamarin na dahil na-enjoy ko manood dahil nalilibang ako. At isa pang dark side nagkakaroon ako ng comparison, minsan napapaisip ako na "Buti pa sila meron ganyan, merong ganto" parang feeling ko napag-iiwanan ako or parang nakikipag-kompitensya ako. Last, minsan nakakaubos ng energy dahil feeling ko napagod ako, parang tatamarin, unproductive dahil minsan nakahiga ako at minsan din hindi mautusan dahil busy kakapanood ng mga videos sa social media.


Realization

In conclusion, i realized na naka depende sa atin kung ano ang gagawin natin sa social media at hindi masama manood ng social media pero narealized ko na gawing balance. Binigyan ko ng limits ang sarili ko and I choosed a content na makakatulong sa growth and knowledge ko. Minsan narerealized ko na kung ano ang nakikita ko sa social media katulad na lamang na sinabi ko kanina kung meron man sila ngayon ng ganyan or ganto, gawin ko na lamang motivation at mag-sumikap at mag hangad na balang araw ako naman ang magkaron.