Nung bata ako mahilig ako sa mga kotse dahil nalilibang ako at masaya ako na mayron ako nitong laruan. Mahilig din ako manood ng mga car shows or movies na about sa kotse, nakikita ko na ang magiging future ko ay about talaga sa kotse dahil nakita ko na nung ako ay naging binata na ay nahilig na ako sa mga kotse. Nangangangarap rin na magkaroon ng magandang kotse at makasakay sa mga luxury or mga sports car. Nahilig din ako sa kotse dahil sa aking tatay, nakikita ko na palagi siyang may ginagawa sa sasakyan at pag may inaayos sa sasakyan ay siya ang gumagawa, sa pamamagitan ng pag gawa nya ng mga sasakyan, ako ay nacucurious at nagkakaroon ng interest kung pano nya nalalaman ang mga sira at pano nya ito naayos, dahil jan nagkaroon ako ng interest tungkol sa mga kotse.
Automotive ang aking napili dahil mahilig ako dati mag-laro ng mga kotse at ngayon ay natuto naring mag-drive ng kotse. Dahil natuto na mag-drive, kailangan ko din malaman kung ano ang mga basic check-up sa sasakyan dahil hindi lamang ito basta-basta pwedeng sakyan dahil may mga hindi inaasahang pangyayari kapag na-abutan ng aksidente. Tulad na lamang ng pag check ng mga oil ng sasakyan, coolant, at tire pressure at marami pang iba. Dahil natuto akong mag-check ng mga basics, nagkaroon ako ng interest sa mga iba pang parts ng sasakyan kung pano ito gumagana at kung paano ito ayusin, sa tulong ng aking tatay kaya ko nalalaman ang mga kasagutan. Sa pamamagitan nyan naiisip ko na gusto ko maging career yan dahil sa dumadami narin ang mga sasakyan ngayon, so marami narin nag-papaayos ng mga sasakyan or nagpapagawa. Isa sa mga dahilan kung bakit ko rin napili ang automotive dahil maraming mekaniko ang mga mandadaya o magugulang dahil kahit konti lang ang sira ng sasakyan, sasabihin na maraming sira at maraming ipapabili na parts at mataas maningil ng labor. Balang araw na ako ay magiging mekaniko layunin ko na maging affordable lamang ang serbisyo at maging fair sa mga customers.
In conclusion, balang araw matutupad ko rin ang mga pangarap na yan, hindi lamang para sa akin kundi para sa aking pamilya. Nagkaroon lamang ng curiousity at ngayon ay gusto nang tahakin ang landas na automotive hanggang sa maging passion. Marami pa ang pwede kong matutunan dahil ako ay nag sisimula pa lamang sa aking karera ng buhay, marami pang pagdadaanan na struggles pero hindi hadlang sa akin para tumigil sa mga napili kong landas. Bilang isang estudyante gusto ko rin maraming pang matutunan hindi lamang sa kotse kundi sa tinatahak ko na landas ngayon. Hindi man magiging madali ang magiging proseso pero balang araw lalabas ang resulta o tagumpay na pinaghirapan ko.